032912
Alam lahat ng tao na may pinagdadaanan akong problema. Problema na para sa iba ay isang mababaw lang pero para sa akin big deal iyon. Inaamin ko naman na nagpabaya ako. Di nag aral, puro tambay etc. Kaya ngayon nagsisisi ako. Siguro wala na naman akong magagawa e. Tapos na ang nakaraan. ang gagawin ko na lang ay pagbutihin ang pag aaral ko sa mga susunod pang semester.
Salamat sa lahat ng tumulong sa akin. Sa mga taong nagdasal para sa akin. Sobrang salamat lang.
Lesson:
Sinabi ko sa mama ko at mga kaibigan ko na okay na rin siguro na naranasan ko ang ganito. Kasi kung hindi, buong buhay ko sa college ganito lang ako. Dahil naranasan ko ito, hinding hindi ko na hahayaan na mangyari ulit ito. Hanggat kaya ko mag aaral ako ng mabuti. Hindi man ako aakyat sa stage ngayon, okay lang, marami akong natutunan sa pagkakadapa ko. Kung sino ang mga TUNAY kong kaibigan, mga dapat gawin ko atbp.
Thank you Lord for giving me another chance.
P.S.
Pipili na rin ako ng maaayos na prof next sem. :)))))
033012
We must embrace pain and burn it as fuel for our journey. Remember when it is dark enough, you can see the stars. Smile. Life is great.
Biyernes, Marso 30, 2012
Linggo, Marso 25, 2012
crossroads
032912
Ngayong gabi, kumpleto kami. Dad ko, Mom, Kuya Jeanno, Kuya Menzo, Ate Lea, Franz at Ako. Tulad sa mga sinabi ko noong nakaraang post, bihira na lamang kami nagsama sama. Kaya si Ate nagorder ng 2 box ng pizza from shakey's, 1 box ng mojos at 5 fried chicken sa Jolibee ng malaman lahat kami andito.
Pagkatapos kumain. Nagkuwentuhan kami. Sa mga pangyayari sa buhay namin. Biglang naungkat ang Debut ko. December pa lang last year, napag usapan na namin ito ni Ate. Sabi niya gusto niya akong mag-debut. Alam kung matagal pa ang Debut ko pero mahirap daw kasing magplano. So ayon na nga, nag usap kami kung anong plano, kung maghahanda ba daw ako at kung paano. May 3 options akoo:
a. Magdedebut sa Alabang na may 18 roses churva
b. Iimbitahin ang mga kaibigan at sa isang restaurant na lang
c. Mag totour na lamang.
d. Charity event
Maganda naman ang mga choices. Kung ako masusunod kahit ano, basta di mawawala sa plano ko ang pagpapakain sa mga bata dahil iyong ang gusto ko. Pero di rin naman ako magsisinungaling, gusto ko talaga mag-debut at mag gown. Makita ang mga kaibigan mo na sama sama. Maisayaw ako ng mga taong mahahalaga sa buhay ko. Syempre isa ito sa mahahalagang pangyayari sa buhay ko. Pero tingnan natin, 9 months pa naman bago ako mag 18. Marami pang mangyayari.
032512
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)