Lunes, Hulyo 30, 2012

Pigged-out day :)

72112


Celebrating Lola Nanay's 80th Birthday :)


My plate. Full of Sushis <3







Happy birthday lola nanay :*
























73012

RANT 001

Naranasan mo na bang mahusgahan? Na alam mo naman sa sarili mo na ginagawa mo iyong PINAKABEST mo? O di kaya masabihan ng masasakit na salita kahit di ka pa nila kilala?

Kasi ganto iyon....
Nagkita kita kame ng mga friends ko sa coffee indulgence (P.Noval). Nanlibre kasi ung friend namen kasi nagbirthday siya. So ayon, kwentuhan kame sa mga pangyayari sa buhay namen hanggang sa napunta kame sa surprise namen sa "friend" na mag-18th birthday kinabukasan. isa pa nameng "FRIEND" (if that's what you call it). We all want to surprise her. But to tell you honestly, we don't feel it at all. Iyong feeling na excited ka na isurprise siya. Iyong feeling na "18 na siya, tara plano tayo ng surprise. Bili tayo cake, balloons, etc." Nuuuh. NO. It came to a point na kasi na LAHAT kame napapansin na nag iiba na siya (though we all know that people change). Not the friend we knew before. Parang we knew each other by face na lang. Minsan nga wala pa. Ni-"Hi", "Hello" wala na. Anyway, that's not my point in writing this blog. 

Napag usapan kasi dun ung "SERVICE".

Dati kasi nasabihan ang isa kong friend, itago na lang natin sa pangalang MIK  na hindi daw nakikita nung taong to ung conviction ni Mik sa pagseserve. Nung kinuwento ito sakin ni Mik, nasaktan ako para sa kanya pero nung nalaman ko na pati ako nadamay, sabi ko kay Mik, masakit pala. Masakit talaga.

Naiyak kasi ako, actually nasaktan. Sinabihan kasi kami/ ako ng "Di ko nakikita ung CONVICTION  nila sa pagseserve." ng isa pang tao.

Friends, I was hurt. Really really hurt ng nalaman ko iyon, di ko mapigilan na umiyak pero di pa rin ako umiyak sa harapan nila kasi ayoko sirain ung pagkikita namen. Pero after nun, nilabas ko lahat, umiyak ako,   gusto ko nga nung manuntok e. Masakit na mahusgahan ka ng taong di ka naman kilala kung pano magserve. Masakit kasi ung service ko, ito ung bagay na sobrang mahal ko gawin. Na kahit pinapagalitan ako ng parents ko or whatever, kahit wala akong kasama sa pagpunta sa mga conferences I go. Because I love HIM. The thing is, di niya ako kilala para sabihan niya ako ng ganun. Di naman purkit naging leader ka lang ng ORG niyo, may karapatan ka ng i-judge ung mga tao. NO. Kaya kayo, tayo naging leader is for us to let other people experience the greatness of God, para ipakita na MAHAL sila/ tayo ni God. Hanggang ngayon pag naalala ko un o nakikita ko ung taong iyon, hindi ko mapigilan na hindi masaktan. REALLY. Ang sakit, para kang tinusukan ng karayom sa puso, para na rin niyang sinabi na kapag nagseserve ako napipilitan lang ako, para na rin niyang sinabi na wag nako magserve kasi wala akong kwentang magserve. OO, ang OA ko. pero kasi masakit talaga. Masakit mahusgahan sa bagay na mahal na mahal mo gawin.

He don't know me personally. Ang sakit talaga. Gusto ko siya dalhin sa community ko para malaman niya na mali siya sa pagsasabi sa kin nun. Pero bakit pa? Eh alam ko naman na ginagawa ko lahat ng makakaya ko.  Pero sabi nga ng mama ko "Hindi mahalaga ung sasabihin ng iba, ang mahalaga ung laman ng puso mo. At tandaan mo Chris, the more na minamahal natin si God, the more na maraming taong sasaktan ka o sisiraan ka."
 Ang masakit pa, bat ganun ung ipapakita sa yo ng mga taong to, na wala kang pinakita na hindi maganda sa kanila. Ngunit puro kabutihan at pagsuporta tuwing kelangan nila na matatakbuhan atbp. Hindi ko naman sila hinuhusgahan sa service nila o kung paano nila ito isabuhay.

I want to say bad things on  against him or di kaya sabihan din siya ng masama para lang malaman niya na hindi purkit YFC hindi na ko pwede magkamali. Pero dahil alam ko na mali yon, I'll just pray for you.  I want to tell him na wala siyang karapatang sabihin samin ni Kim kasi hindi naman siya si God. Kung ang Diyos nga sinasabi na karapat dapat kami sa mga posisyon namin kahit we feel na undeserved kami, siya pa kaya na isang tao lang? Oo, leader ka ng yfl pero hindi ibig sabihin nun na ALAM mo na lahat na SOBRANG galing mo na. Sana malaman mo na ung MAGALING ka man sa lagay na yan, isipin mo na si God lahat yan. 

I don't care if you can read this. at least you know how I feel about you. At least you know how WE feel about you.


#rant001 #leaderkalangfeelmoanggalingmona #myserviceiswhatilovedontjudgemeCAUSEyouarenotaJUDGE
073012

Biyernes, Hulyo 20, 2012

Dear Diary.

7 am umalis nako ng bahay. Kasi baka malate na naman ako. Gusto ko sana magpahatid kahit sa kanto lang kaso nagmamadali din si Daddy. Ayon,  pagbaba ko pa lang ng tricycle, biglang lumakas ung hangin at NABASA ung likod ko. AS in. Pati paa ko basa na. Nagsisimula nako maasar pero pinipigilan ko. Iritang irita ako kasi ung paa ko basa. Ang pangit kaya sa feeling nun. Tas pagbaba ko ng cityhall, malakas pa rin ung ulan. Edi sumakay ako ng Fx papuntang UST. tas nakarating nako. Nag antay lang ako sa tapat ng elevator kasi ibabalik ko sa friend ko ung payong na pinahiram niya sakin. Pag upo ko sa tapat ng elevator, biglang nag announce ng suspended na class. Sobrang naiiyak nako nun kasi ung pinag daanan ko iba. Ang hirap kaya ng sinulong ko para makapasok. Sana sinabi kaagad. Ayon dumating ung friend ko, buti na lang binigyan niya ko ng pizza :> (much appreciated partner) 




Sa madali't sabi umuwi ako, traffic sa lawton, lahat na. Basa ako. HALOS BUONG KATAWAN na. nilalamig ako , nagugutom, nahihilo at feeling ko ngayon nilalagnat nako. Asar na asar na talaga ako, gusto ko magmura, umiyak, lahat na pero pinipigilan ko. Ayon, pag uwi ko sa bahay, naiyak na lang ako bigla tas nagkwento ako sa mommy ko, mga pinagdaanan ko.
Kung pano ako lumusob sa baha, nagkasugat ang paa tas nabasa pa (sobrang hapdi). Tas pag uwi ko,  kinain ko ung isang pizza (habang lumuluha pa ko :)))))


Tapos nung nagbukas ako ng net, tas kinain ung isa pang pizza. Ito ohhh.










Masaya nako kasi nakakain nako =)))

 Tapos nagbukas din agad ako ng FB, nabasa ko lang to


"I'm forever thankful for the wind and the RAIN and how they refresh me reminds me of my King."


Parang sabi lang sakin ni God na, kahit anong mangyari sayo, ipagpasalamat mo pa rin ito kasi MAS MASWERTE pa rin ako sa iba.






Galing lang :"> Tsaka natagalan lang byahe ko sa Lawton to Kalaw pero the rest smooth na kaya Thank you LORD :)








#Isurvived




072112

Miyerkules, Hulyo 18, 2012

BORED.



Walang magawa. :))


071812

Happy 80th Birthday Lola Nanay :)



Stay Strong. (at marami pakong ipapabili sayo. CHOS!) God Bless. Always Remember that we are always here for you no matter what >:*< I love you Lola. Hope you can read this. Hahaha.

P.S.
Pengeng pera para makabili ako ng regalo sao. JOOOKE :)



Your loving APO,
Chris


071812


Linggo, Hulyo 15, 2012

Learn to deal with it.


People, especially your friends, come and go in your life. Deal with it.


Ang sakit isipin na ung kaibigan mo ay hindi na ung kaibigan na nakilala mo noon. Ung katawanan mo, kaiyakan mo, kadamay mo, kakwentuhan mo. Wala na. Siguro nga lahat nagbabago. Hindi mo naman mapipilit na sumama siya sayo kasi may iba na siyang kasama..Sana lang ma realize mo na kahit masakit, kahit na mahirap, pero kapag kailangan mo kami ANDITO lang kami. Palagi ka namin naiisip, sana kami din naiisip mo. Palagi ka namin pinagdadasal. Sana bumalik ung dating IKAW. Pero kung hindi man, okay lang. Sabi nga ni J****A, hayaan  mo na kung saan siya masaya, at maging masaya ka na lang para sakanya.

I'm happy for you. :)

071512


Biyernes, Hulyo 13, 2012

Day 29 :")

Hi, It's my day 29 in reading the purpose driven life. To tell you the truth, sobrang maganda siyang basahin (para sa mga hindi pa nakakabasa). It helps a lot especially in answering our unanswered questions. The title of day 29 is Accepting your Assignments


Let me share to you a part of it:

You are going to give your life for something. What will it be-a career, a sport, a hobby, fame, wealth? None of these will have lasting significance. Service is the pathway to real significance. It is through ministry that we discover the meaning of our lives. The bible says, "Each of us finds our meaning and function as a part of his body." As we serve together in God's family, our lives take on eternal importance. Paul said, "I want you to think about how all this makes you more significant, not less... because of what you are a part of."

God wants to use you to make a difference in His world. He wants to work through you.
What matters is not the duration of your life, but the donation of it. Not how long you lived, but how you lived.

If you're not involved in any service or ministry, what excuse have you been using? 

     Abraham was old
Jacob was insecure
Leah was unattractive
Joseph was abused
Moses stuttered
Gideon was poor
Samson was codependent
Rahab was immoral
David had an affair and all kinds of family problems
Elijah was suicidal
Jeremiah was depressed
Jonah was reluctant
Naomi was a widow
John the Baptist was eccentric to say the least
Peter was impulsive and hot-tempered
Martha worried a lot
The Samaritan woman had several failed marriages
Zacchaeus was unpopular
Thomas had doubts
Paul had poor health
Timothy was timid

That is quite a variety of misfits, but God used each of them in his service
He will use you, too, if you stop making excuses.
These are the things you need to reflect upon:


Point to ponder: Service is not optional.


Verse to remember: "For we are God's workmanship, created in Christ Jesus to do good workds, which God prepared in advance for us to do." Ephesians 2:10(NIV)
Question to consider: What is holding me back from accepting God's call to serve him?

(c) Purpose Driven life book by Rick Warren


Realization:


Sobrang natamaan ako dun sa EXCUSES. Really. I mean, oo nga, hindi hadlang ang status sa buhay o edad mo para makapagserve kay God. Through our service malalaman mo ung purpose ng buhay mo at halaga sa mundo. Naalala ko tuloy ang mga katagang "Many are called and Few were chosen." 'Di ko alam kung bakit ko to naalala. HAHAHAHA. 
Personally, based on my experience, I was also in doubt in accepting service (in my community) , kaysa ganto, kasi bata pa ko. So many excuses yet God gave me another chance to SERVE Him and LOVE Him. Kaya ngayon, gi-nrab ko na. Galing lang ng way ni God :")



Kaya ikaw, OO ikaw!
Kapag tinawag ka ni God, don't hesitate to say YES for HIM. I assure you, no matter what problems and obstacles you will encounter, He will be there with you always. 

071312



Biyernes, Hulyo 6, 2012

Message from God

On this day of your life, Chris Mary, we believe God wants you to know ... that faith is exactly what it takes to get through uncertainty.
Faith is not necessary when you know how things are going to work out, - that's knowledge. It's in the time of unknowing that having faith is what sees you through to the other side. Faith is what gives you strength. Faith is that light in your heart that keeps on shining even when it's all darkness outside. Now is the time to keep that faith alive!


(c) facebook application


070612

RESIGN

Nanaginip ako ng word na R.E.S.I.G.N. Ang weird lang. SOBRA. Paggising ko, naalala ko iyong mga organizations ko. YFC-UST, CSS, YFC- community based, tsaka KFC-ROCK. I felt na ung word na RESIGN ay may kinalaman dito. Iyong tipong kelangan ko magbitiw sa ibang organizations ko at mag focus lang sa isa. Sobrang na-bother ako. At naisip ko agad e ung sa yfc, kasi siguro din may problema ako sa partner ko na hindi ko alam kung galit ba siya sa kin o pinagttripan lang ako. 

Anyway, ayon na nga. Tinanong ko senior sister ko sa YFC, if may mga case na na bumitiw sila sa service nila sa gitna ng taon. And she said yes. Well, honestly speaking, wala naman akong balak magresign o maghanap ng kapalit kasi wala pa nga e, di pa nga nagsisimula ung service ko para kay God. Tas susuko na agad ako?! Parang sinabi ko lang kay God na di ko siya kayang ipagmalaki at mahalin. Tsaka excited kaya ako kasi frist service ko to as a committee. So ayon, nakwento ko rin iyon sa friend ko, at she said na isipin ko ung positive side. Na siguro iyong message ni God sakin ay 

WAG MAGRESIGN. WAG BUMITIW. WAG SUSUKO.


Di talaga ako susuko. :) I'll serve as long as I can. :)



070612

Miyerkules, Hulyo 4, 2012

BULLY


Ayoko kasi ung tipong nag effort ka tas babalewalain ng taong yon. Iyong tipong nag antay ka ng dalawang oras tapos wala naman palang mangyayari. Ayaw tanggapin. Tapos edi nagtampo ka, tapos itetext ka na gusto niya na ulit.  sa huli ikaw pa ang may kasalanan at kelangan humingi ng sorry. Tas babalewalain ka lang. Ang sakit kaya. </3


Nakakatampo. :(


#paasa #whathappenedtoday

070412

Linggo, Hulyo 1, 2012

Unease mind


Paano nga ba kapag nasa sitwasyon ka na mahal mo ang isang lalaki tapos ang mahal ng lalaking ito ay isa mong kaibigan?


"edi sumuko ka na. May mahal na palang iba ang mahal mo eh. Kaibigan mo man o hindi ung mahal nung mahal mo, isa lang ibig sabihin nun. TALO KA NA. MAGMAHAL ka na lang ng iba."

--Allana

"Tingin ko pabayaan mo na lang. Kung yung kaibigan mo yung mahal niya at di ikaw, edi go. Wag mong ipilit yung sarili mo. Di maganda kakalabasan niyan.Mas masasaktan ka lang. Marami pang iba diyan. And for sure, may nilaan si God para sa'yo."

--Beeberly

"Kung ngayon ang pinag-uusapang panahon, guard your heart. Baka mamaya nacoconfuse ka lang sa nararamdaman mo."

 --Maxine

"Depende. Kaibigan mo rin ba ung mahal mo at close kayo ng mahal niya? Kasi kung ganun, parang kailangan mo na talaga magpakamartyr at magparaya kesa magmakasarili ka at silang dalawa mawala sayo. Tsaka kahit ganoon na kagasgas yung linyang to, kung mahal mo talaga yung tao kailangan maging masaya ka para sa kanya kahit di ikaw ang dahilan."

--Marela

"Hirap ng ganun, wala ka namang magagawa kung mistulang domino ang sitwasyon ng lovelife niya eh. I mean, sad to say na hindi mo pwedeng diktahan yung tao na "Please, ako na lang ang mahalin mo". Least, you have to accept and wait na lang. Basta be there para sa taong mahal mo kahit may mahal siyang iba. OO, magiging masakit pero.. think about the feeling na masaya ka, because you seek the person's higher good."

--Monch


Friends, honestly di ako to. Hindi ako involve sa third party chuva. Honestly, Bigla na lang pumasok sa isip ko iyong mga ganyang bagay. Naisip ko kung paano kung ganto o ganyan. Hahahaha. Ewan ko ba, parang nitong mga nakaraang araw kung ano ano iniisip ko. Pano kung ganito o ganyan. Ang weird pero masaya. Kasi marame kang marerealize. Saya lang ng buhay. LOVE more :)


070112