Martes, Pebrero 28, 2012

S.T.R.O.N.G.A.R.M




My child I knew you before the world began

And I was there everytime you put your name on the sand

But lately I know you've been through quite a storm

My child I've been there, since the day you were born

Refrain:

Oh, and I rule the wind. O yes and I calm the sea

And the sun won't go down until I say that it can leave

Just as sure as my Word I stand here right by your side

And if you're just too weak to go on

Remember child that I'm your strong arm

The people will wonder, and they'll stand amazed

They say you are a miracle and I will be praised

And even though your pain has been too hard to bear

Just know that I am with you, there's no need to despair





Siguro, mula bata pa ko (mga 9 years old), kinakanta ko na to. Una ko yan narinig sa household ng parents ko. Hanggang nasanay na ko na kinakanta to. Nung lumaki ako, kinakanta ko siya kapag may problema ako, problemang hindi ko na alam kung sino ang kakapitan at lalapitan. Kapag naririnig ko kasi ito, nagkakaroon ako ng lakas ng loob at pag-asa. Gumagaan pakiramdam ko kasi alam ko na kahit talikuran ako ng lahat ng tao sa mundo, may isang NILALANG na kailan man ay hindi ako iiwan at tatalikuran.


'Di man maintindihan ng ibang tao ang nararamdaman ko at pinagdadaanan ko ngayon, alam ko Siya NAIINTINDIHAN niya ako. Di ko man alam kung sino sa mga tao sa paligid ko ang mapagkakatiwalaan o totoong kaibigan, alam ko na may ISA dyan na kailanman ay hindi ako ta-traydurin.

Kaya kayo, kahit ano man yang pinagdadaanan niyo, huwag kayong mahiyang lumapit sa kanya. NEVER  ka niyang iiwan at tatalikuran.

Linggo, Pebrero 26, 2012

what will i do if i am a MOTHER



022312


Sana kapag nagkaanak ako, maipagawa ko sa kanya ang mga di ko nagawa ngayong bata pa ako.

Hindi ko sana siya pigilan sa mga bagay na gusto niya na alam ko ikakasaya. Sana maalala ko na kamustahin siya sa bawat araw na ginawa ng Diyos. Sana maalala ko na ang gusto ko ngayon ay ang mag ENJOY at sana maibigay ko rin iyon sa kanya.

Sana maalala ko na minsan din akong umibig nagka-crush. Minsan din ako nagpuyat para makatext ang crush ko. Minsan din ako gabi umuwi para makasama ang mga kaibigan ko at gumala. Minsan din ako umiyak sa mga walang kwentang bagay. Minsan din akong nagsinungaling para lang payagan sa gala. Minsan din akong kinilig.

Sana maalala ko kapag nagka-anak ako iyong mga ginagawa ko. Sana maalala ko ang mga ganitong bagay at mainitindihan ko ang nararamdaman niya. Malaman ko ang mga nangyayari sa buhay niya. Sana kapag may anak na ko, maintindihan ko kung bakit siya nagpupuyat hanggang madaling araw. Kung bakit kinikilig siya habang hawak ang cellphone niya. Sana hindi ko agad pairalin ang GALIT sa tuwing magkakamali siya sa halip ay Habaan ang PASENSYA dahil minsan ko rin naman iyon naranasan.



Sana maalala ko na minsan din ako naging TEENAGER.


SANA.



#sana  #whatwillidoifiamamother


022612

Miyerkules, Pebrero 22, 2012

emote 004


Nakapag desisyon nako. And sana FINAL na to (as of now).  

Sa mga taong nagbabasa ng blog ko, kung hinahanap niyo ang emote 003, nasa diary ko siya. Share.


022212

Martes, Pebrero 21, 2012

emote 002

Bakit kapag may sinabi kang bagay na ang intensyon mo ay MAGANDA,



minamasama ng iba? Bakit ganun?



022212

Lunes, Pebrero 20, 2012

emote 001

May mga bagay talaga na nangyayari sa atin na hindi natin maipaliwanag kung ano ito. Pero isa lang ang alam ko LAHAT YON AY MAY DAHILAN. Dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay kahit na hindi naman natin ninais o plinano. Mga bagay na kahit labag sa kalooban natin ay kailangan na lang natin TANGGAPIN dahil ito ang KATOTOHANAN.



022012

Linggo, Pebrero 19, 2012

Love is...

022012


Love is patient

Love is kind

It does not envy

It does not boast

It is not proud

It is not rude



It is a not self-seeking


It is not easily angered

It keeps no record of wrongs



Love does not delight of evil 


but rejoices with the truth



It always protects, 


always trusts, 

always hopes and 

always perseveres.

1 Corinthians 13:4-7 


Pag-Ibig by Yeng Constantino


022012