022312
Sana kapag nagkaanak ako, maipagawa ko sa kanya ang mga di ko nagawa ngayong bata pa ako.
Hindi ko sana siya pigilan sa mga bagay na gusto niya na alam ko ikakasaya. Sana maalala ko na kamustahin siya sa bawat araw na ginawa ng Diyos. Sana maalala ko na ang gusto ko ngayon ay ang mag ENJOY at sana maibigay ko rin iyon sa kanya.
Sana maalala ko na minsan din akong
Sana maalala ko kapag nagka-anak ako iyong mga ginagawa ko. Sana maalala ko ang mga ganitong bagay at mainitindihan ko ang nararamdaman niya. Malaman ko ang mga nangyayari sa buhay niya. Sana kapag may anak na ko, maintindihan ko kung bakit siya nagpupuyat hanggang madaling araw. Kung bakit kinikilig siya habang hawak ang cellphone niya. Sana hindi ko agad pairalin ang GALIT sa tuwing magkakamali siya sa halip ay Habaan ang PASENSYA dahil minsan ko rin naman iyon naranasan.
Sana maalala ko na minsan din ako naging TEENAGER.
SANA.
#sana #whatwillidoifiamamother
022612
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento