Sabado, Mayo 18, 2013

1 VS many

May nabalitaan ako. Nakapatay daw ang mga Pilipino ng isang Taiwanese. Nagulat ako sa narinig ko. Kasi Nakapatay, isang krimen yun. Pero nakakalungkot lang isipin na ung mga Pilipino sa Taiwan  ang pinaparusahan ng sobra sobra.

Hinampas ng baseball bat. Hindi pinagbibilan sa palengke. Minamaltrato.

Ganyan ba, ganyan ba. Grabe naman. Alam ko na mali ang ginawa ng mga Pilipino sa pagpatay sa Taiwanese pero hindi rin naman tama na gawin nila iyon sa mga OFW. Nagpunta sila dun hindi para manggulo at pumatay ng Taiwanese. Pumunta sila dun para maghanap buhay. Para buhayin ang kanilang pamilya.

Nakakalungkot lang isipin na sa pagkakamali ng isa, nadadamay ang iba.

Naisip ko nga na sana ganyan din ang ugali ng mga Pilipino sa mga dayuhan natin.

Biruin mo naman dati, sinakop na ng iba't ibang lahi pero ano, buong puso natin sila tinatanggap sa ating bansa at ngayon nga hinahayaan na sila ang mas mamuno sa tin (like sa divisoriaa, ang amo ay mga chinese, tauhan at trabahador lang ang mga Pilipino).

Opinyon ko lamang ito. Alam ko masakit mawalan ng minamahal lalo na at ito ang bumubuhay sa pamilya pero sana wag idamay ung ibang Pilipino. Kasi binubuhay din nila at umaasa sa kanila ang kanilang pamilya.

Hindi ako galit sa Taiwan. Pero humingi na naman ang pamahalaan ng tawad at nangakong paparusahan ang sino man ang may sala. Sana naman maging bukas ang puso at isipan niyo. Sana huwag niyong idamay ang ibang tao.

Gusto ko lamang ay kapayapaan sa lahat. Lalo na at pare-pareho tayong mga Asyano.

Make Love not War. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento