A lot of things happen to me for the past two months:
First:
Nag overnight kami sa bahay ng kaklase ko. It was good. Everyone was unwinding. Nagrerelax. Umiinom, nagsasaya at nagkukuwentuhan. Marami akong nalaman, natutunan sa time na iyon. Sad to say na marami pala akong hindi kilala na tao. Na iba pala ung ugali talaga. Hindi ko sinasabi na nagpapanggap siya or what pero I just don't EXPECT (yes, expect) na ganun ang pagkatao nya.
Second:
Bumagsak ako sa isang kong subject. 80 % passing and my grade was only 71% nag taas si maam, nagbigay ng plus points. So naging 74.81 % i was like, sobrang layo ko pa sa passing. Maya maya, nag announce si maam na 75% and up are all passed na. So i was like OHMYG! point chuchu na lang and no need for me to take removals and i was like praying really hard while studying kasi ayoko na mag removals kasi ung chance or probability e by chance. So parang iniisip ko na sana pumayag na si ma'am kasi kapag rinound-off naman 75 na rin. So after my classmate told me "PASADO ka na. 74.5 and up daw passed na". Masasabi ko na isa ung sa mga miracles ng buhay ko. Biruin mo ung point 5 ung nagligtas sa ken. Sobrang grateful kahit sabihin mo na hindi ako sabit (sabi nila) para saken sobrang sabit ako kasi umabot pa ko sa cut off na pasado. Sobrang galing kasi e. I shared it to my friends saying how happy am I and blessed :)
Third:
I have a friend, a very close friend of mine na nagbago. Iyong pagkakakilala ko sakanya e sobrang bait niya. Sobrang bait parin naman nya ngayon pero hindi ko na makita ung taong DATING siya. Kasi kapag nangangamusta ako, nangangamusta ako purely nun, ang tendency magkukuwento siya and all. And when it was my turn to tell a story parang ishshift nya ung usapan and siya na ulit ang magkukuwento. Kapag may problema siya nakikinig ako, sobrang andyan ako para suportahan at makinig sa mga kwento nya na kahit matagal na niyang problema un or what, pero tulad kahapon gusto ko ikwento ung 'miracle' na nangyari saken, pero ni-hindi man lang niya ako kinamusta o tinanong or what. Kapag siya naman ang mag chachat saken, lagi na lang siya ung may kwento.
I mean it is okay for me to listen all the time. To hear all your problems, pero kaibigan ko siya. Sa kanya lang din ako nagkwekwento ng mga bagay bagay sa mundo pero iyong mga panahong ito, ni hindi man lang niya ako kausapin o kamustahin. Sobrang naffrustrate ako. Sobrang nalulungkot ako. Nagbago siya. Marami rin akong narinig na mga negative feedbacks sa mga iba't ibang tao at nalulungkot ako kasi ayoko na tuluyang maging ganoon siya.
Fourth:
I have a lot of friends. Not just friends, but someone who I think and believe treat me as their own kapatid na. They trust me. Kinukwento nila saken lahat. From family to friends to study to love life to their own identity. I'm just happy that they are all trusting me. Nakakatuwa kasi. May isang kaibigan ako tinanong ako "Di ka ba napapagod samen, saken, sa kakakwento ko? Kasi alam ko may sarili ka ring problema. O kaya naiinis sa ken?" And I thought na oo nga no, ang dameng tao na nagkukuwento saken sa mga buhay nila pero never ako nainis sa dame nila. And then I thank God for allowing me to be their someone who can count on. Diba masaya sa pakiramdam na iyong mga kaibigan mo e sobrang pinagkakatiwalaan ka? :)
Fifth:
I want to talk to someone din :( Iyong ako naman iyong magkukuwento. Iyong papakinggan lang din nila ako tulad ng ginagawa ko. Kasi gusto ko rin maglabas ng mga problema ko pero parang every time someone will ask me if I'm okay, nahihiya ako magkwento kasi alam ko na marami rin silang problema sa buhay nila na ayoko na makadagdag pa. Kaya nga siguro ako nagbblog. Kasi dito kahit ang labo labo ng kwento ko, wala kong pakialam kasi para saken gusto ko lang na may labasan. Kahit di nagrereply ung blog hahahaha
Sixth:
May gusto akong i-close. As in close na close na close pero parang lagi na lang ako iyong nagfifirst move na magtetext o magchachat kaya I feel like na he doesn't want to talk to me. Madalas pa ngang seenzoned ako. Kaya wag na lang diba? HAHAHAHAHA.
Ayan tapos na ang kwento ko. May masaya, may malungkot pero at the end of the day.....
matutulog na ko =))