Miyerkules, Enero 25, 2012

012512

Wala man akong perpektong pamilya. Perpektong AMA, INA, mga KUYA, ATE at BUNSONG KAPATID. Masasabi ko na napakasaya ko at sila ang aking naging pamilya.
Laging man may hindi pagkakaunawaan sa bahay namin, lagi mang may SIGAWAN, ASARAN atbp. Hindi ito naging hadlang at MAGIGING hadlang para maging MASAYA at MASIRA ang pamilya namin.

Masaya sa bahay. Maraming pagkain, maraming pagkakaabalahan, maraming kaharutan, kaasaran at karamay mo sila mapaHIRAP man o GINHAWA.

Bakit ako nagbblog tungkol sa pamilya ko? Kasi MISS na MISS ko na sila. Di na kami nakukumpleto sa bahay. Tulad ngayon, kasama ko si Daddy, Mommy at Franz. Tas pagtulog ko saka darating iyong isa kong kuya at si ate. Tas bukas ng umaga pag-umalis iyong isang kuya, saka darating iyong isa. NEVER ng nag-meet iyong mga SCHEDULE nila. KAASAR lang. Hahahahaha. Kaya kapag kumpleto kami, lalo na pag-SUNDAY, nako, parang FIESTA sa bahay namin. Ang Ingay Ingay at ang gulu-gulo. Ang saya lang. 

Parang dati, sawang sawa na kami sa pagmumukha ng bawat isa, samantalang ngayon, ni-anino di na kami nagkakakitaan. Sana kapag nagkatrabaho na kaming lahat, magkaroon pa rin kami ng oras para sa pamilya namin.

Ishashare ko lang mga pictures namin. :)









My SIBLINGS






LOVE <3

HAPPY FAMILY (chistmas day)

Siya si Franz, ang bunso kong kapatid. Siya na lang ang lagi kong kasama. Kahit lagi kaming nag-aaway, mahal ko pa rin yan. Hindi kami matutulog hangga't di kami bati. Katabi ko ba naman yan matulog eh. :)


122512


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento