Papunta kami ni Theodore (isa sa pinakamalapit kong kaibigan) sa bahay ng isa naming kaibigan. Marami kaming napagkuwentuhan. Sa pag-aaral, sa buhay buhay at sa buhay pag-ibig.At ang di ko makakalimutan ay ang salitang EFFORT!
Sabi sa dictionary ang effort ay:
- conscious exertion of power
- hard work
- a serious attempt
- something produced by exertion or trying
Para sa kanya ito ang EFFORT:
Ang salitang ito mo DAW malalaman kung gaano ka kamahal ng isang tao. Kung gaano siya ka-sincere at ka-seryoso sayo. Dito mo DAW kasi malalaman kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang tao para sa minamahal niya. Tulad niya. Lahat ginagawa niya para kay *tooooooooot*. Masaya naman ako kasi alam ko hindi siya mananakit ng babae at hindi niya papaiyakin siya.
Siguro itong mga sinabi niya tumatak talaga sa isip ko:
" Iyong magloload ka para lang makatext siya. Iyong ihahatid mo siya kahit sa labas lang ng school para malaman na-safe siya at aantayin makasakay ng jeep. Iyong bubuhatin mo iyong bag niya kapag alam mong nabibigatan na siya. Iyong kakamustahin mo siya kung anong mga nangyari sa buong araw niya."
" Ang gusto kong magawa iyong maihatid siya. Kahit taga-Antipolo pa siya at ako taga-Paranaque"
Ang sweet lang ng Bestest ko :">
012312
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento