Lunes, Abril 23, 2012

emote 005

042312




           Naranasan mo na ba sa buhay mo ang magmahal? Iyong tipong maayos naman ang lahat kaso may mga bagay talaga na hindi para sa isa't isa. Problema sa pamilya, sa pag aaral, sa kaibigan, sa mga ginagawa sa buhay, etc.  No choice ka kung hindi itigil na ito, para maayos pa habang maaga. na kahit hindi kayo, atleast magkaibigan kayo. Kung lagi kasing nag aaway dahil sa WALANG KWENTANG bagay parang nakakasawa na. Parang imbes na pagmamahal iyong maramdaman mo sa isang tao napapalitan ito ng galit at poot. Masakit sabihin ito pero ito ang nararamdaman ko. Imbes na mamiss ko siya dahil di kami nagkikita at nagkakausap, parang wala na lang, kasi sa tuwing mag uusap naman kame lagi na lang kameng di nagkakaintindihan. NAKAKAPAGOD. NAKAKASAWA. Alam kung na sa mga ibang pagkakataon MALI ako, inaaamin ko. Siguro nga bata pa ko. Siguro nga di ko pa kaya. Di pa ko handa. Siguro binigay ka sa akin ng Diyos para matuto ako.


#shitness #love #Godhasabetterplan


042312

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento