Unang araw ng Simbang gabi. Christmas Party. Paskuhan.
4 am gising na ako para makinig ng misa. Unang gabi ito at naging panata ko na mula noong isang taon na dapat mabuo ko ang simbanggabi. Kasama ko ang aking Ate dahil siya lang naman din ang may tyagang gawin iyon. 5:45 natapos ang misa at pagkauwi ko ng bahay ay hindi na ko natulog. Naghanda nako para sa aming Christmas Party at Paskuhan. Naligo. Kumanta. Nagpaayos ng Buhok ko.
May usapan kami ng isang kong kaibigan na magkikita kami sa lawton pero hindi iyon natuloy dahil sa sobrang traffic kahit mas nauna pa siyang umalis nga bahay. Ayon, nag Christmas Party kami. May pagkaboring kasi hindi naman nakikipag-cooperate ang mga kablockmates ko pero masaya na rin dahil ang dami naming picture.
It was great and fun.
Pagkatapos ng Christmas Party ay pumunta na kami ng Grand Stand kung saang gaganapin ang PASKUHAN. Excited ako kasi First time ko iyon at maraming bandang kasama. Sa susunod na ang mga pictures. :) Sobrang ganda ng UST. Ang Liwanag, ang daming tao AS IN. halos wala kang madaanan. Pati sa Labas ay trapik dahil doon na nakaparking ang mga kotse. Ang saya talaga. (Malungkot lang ako dahil hindi nagkasama sama kaming magkakablockmates) Ang pinakagusto ko doon ay ang mga FIREWORKS. SOBRANG GANDA LANG. Kung titingnan mo ang mga tao ay halos lahat sila ay nakanganga (marahil siguro sa paghanga). Maraming nagsasabi na pakorny ng pakorny ang PASKUHAN. Pero first time ko pa lang iyon kaya hindi ko masasabi. Basta ako, inenjoy ko ang araw na iyon. mga 12 midnight na ko nakauwi. Maaga pa iyon kung tutuusin pero baka nag-aalala na ang aking mga magulang (wala kasing signal at battery ang phone ko). Pero alam niyo ba pag uwi ko, nagulat pa ang aking inay.
Sabi niya:
Mommy: Oh, akala ko ba mga 2 am pa uwi mo? bakit ang aga?
Chris: Kasi baka pagalitan niyo ako e. Nag enjoy nga ako, magagalit naman kayo.
M: *Lumapit sa akin* Hindi ah. Nagpaalam ka naman e.
Medyo may panghihinayang ako kasi umuwi ako agad, ganoon pa man, ayos na rin iyon para makapagpahinga na ako dahil gumising na naman akong ng 4 am para sa pangalawang araw ng simbang gabi. :)
121711




























Walang komento:
Mag-post ng isang Komento