Gusto ko lang ng taong makikinig sa kin.
Iyong taong handang ibuhos iyong oras niya at panahon para makinig sa kin.
Iyong tipong hindi ako mahihiya at IKAKAHIYA sa sobrang iyak ko.
Kahit gaano kaboring o kahaba man ang kinukwento ko.
Kahit walang kwenta o sense iyong pinagsasabi ko.
Iyong bibigyan ako ng advice tas sa dulo ng usapan,
papalakasin niya ang loob ko at
bibigyan ng NAPAKAHIGPIT na yakap.
Bihira na lang siguro iyong ganoong tao.
Kaya napakaswerte ko at binigyan ako ng Diyos ng mga taong tulad nila.
May panahong mang di kami nagkakaunawaan at nagkakaintindihan pero siguro isa iyon sa mga
NAGPATIBAY ng aming PAGKAKAIBIGAN.
Masaya ako kasi kasama ko sila sa HIRAP at GINHAWA.
Alam nila ang problema ko mapa-pag-ibig man iyan o sa pamilya.
Sa totoo lang KILALA na nga sila ng pamilya ko eh. Sobrang swerte ko lang no? Di man kami masyado nagkakausap ngayon dahil sa busy na schedule, may oras pa rin kami para magkwentuhan at magkamustahan. Siguro kaya di ko feel masyado ang LUNGKOT na nararamdaman ng ibang tao na WALANG SPECIAL SOMEONE, kasi marami ako niyan. KAIBIGAN na sobrang special sa puso ko.
011712










Walang komento:
Mag-post ng isang Komento