Lunes, Hulyo 30, 2012

RANT 001

Naranasan mo na bang mahusgahan? Na alam mo naman sa sarili mo na ginagawa mo iyong PINAKABEST mo? O di kaya masabihan ng masasakit na salita kahit di ka pa nila kilala?

Kasi ganto iyon....
Nagkita kita kame ng mga friends ko sa coffee indulgence (P.Noval). Nanlibre kasi ung friend namen kasi nagbirthday siya. So ayon, kwentuhan kame sa mga pangyayari sa buhay namen hanggang sa napunta kame sa surprise namen sa "friend" na mag-18th birthday kinabukasan. isa pa nameng "FRIEND" (if that's what you call it). We all want to surprise her. But to tell you honestly, we don't feel it at all. Iyong feeling na excited ka na isurprise siya. Iyong feeling na "18 na siya, tara plano tayo ng surprise. Bili tayo cake, balloons, etc." Nuuuh. NO. It came to a point na kasi na LAHAT kame napapansin na nag iiba na siya (though we all know that people change). Not the friend we knew before. Parang we knew each other by face na lang. Minsan nga wala pa. Ni-"Hi", "Hello" wala na. Anyway, that's not my point in writing this blog. 

Napag usapan kasi dun ung "SERVICE".

Dati kasi nasabihan ang isa kong friend, itago na lang natin sa pangalang MIK  na hindi daw nakikita nung taong to ung conviction ni Mik sa pagseserve. Nung kinuwento ito sakin ni Mik, nasaktan ako para sa kanya pero nung nalaman ko na pati ako nadamay, sabi ko kay Mik, masakit pala. Masakit talaga.

Naiyak kasi ako, actually nasaktan. Sinabihan kasi kami/ ako ng "Di ko nakikita ung CONVICTION  nila sa pagseserve." ng isa pang tao.

Friends, I was hurt. Really really hurt ng nalaman ko iyon, di ko mapigilan na umiyak pero di pa rin ako umiyak sa harapan nila kasi ayoko sirain ung pagkikita namen. Pero after nun, nilabas ko lahat, umiyak ako,   gusto ko nga nung manuntok e. Masakit na mahusgahan ka ng taong di ka naman kilala kung pano magserve. Masakit kasi ung service ko, ito ung bagay na sobrang mahal ko gawin. Na kahit pinapagalitan ako ng parents ko or whatever, kahit wala akong kasama sa pagpunta sa mga conferences I go. Because I love HIM. The thing is, di niya ako kilala para sabihan niya ako ng ganun. Di naman purkit naging leader ka lang ng ORG niyo, may karapatan ka ng i-judge ung mga tao. NO. Kaya kayo, tayo naging leader is for us to let other people experience the greatness of God, para ipakita na MAHAL sila/ tayo ni God. Hanggang ngayon pag naalala ko un o nakikita ko ung taong iyon, hindi ko mapigilan na hindi masaktan. REALLY. Ang sakit, para kang tinusukan ng karayom sa puso, para na rin niyang sinabi na kapag nagseserve ako napipilitan lang ako, para na rin niyang sinabi na wag nako magserve kasi wala akong kwentang magserve. OO, ang OA ko. pero kasi masakit talaga. Masakit mahusgahan sa bagay na mahal na mahal mo gawin.

He don't know me personally. Ang sakit talaga. Gusto ko siya dalhin sa community ko para malaman niya na mali siya sa pagsasabi sa kin nun. Pero bakit pa? Eh alam ko naman na ginagawa ko lahat ng makakaya ko.  Pero sabi nga ng mama ko "Hindi mahalaga ung sasabihin ng iba, ang mahalaga ung laman ng puso mo. At tandaan mo Chris, the more na minamahal natin si God, the more na maraming taong sasaktan ka o sisiraan ka."
 Ang masakit pa, bat ganun ung ipapakita sa yo ng mga taong to, na wala kang pinakita na hindi maganda sa kanila. Ngunit puro kabutihan at pagsuporta tuwing kelangan nila na matatakbuhan atbp. Hindi ko naman sila hinuhusgahan sa service nila o kung paano nila ito isabuhay.

I want to say bad things on  against him or di kaya sabihan din siya ng masama para lang malaman niya na hindi purkit YFC hindi na ko pwede magkamali. Pero dahil alam ko na mali yon, I'll just pray for you.  I want to tell him na wala siyang karapatang sabihin samin ni Kim kasi hindi naman siya si God. Kung ang Diyos nga sinasabi na karapat dapat kami sa mga posisyon namin kahit we feel na undeserved kami, siya pa kaya na isang tao lang? Oo, leader ka ng yfl pero hindi ibig sabihin nun na ALAM mo na lahat na SOBRANG galing mo na. Sana malaman mo na ung MAGALING ka man sa lagay na yan, isipin mo na si God lahat yan. 

I don't care if you can read this. at least you know how I feel about you. At least you know how WE feel about you.


#rant001 #leaderkalangfeelmoanggalingmona #myserviceiswhatilovedontjudgemeCAUSEyouarenotaJUDGE
073012

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento